Province of Antique
Where the Mountains meet the sea. The Rising Star of Western Visayas





APPO
The Home of the Credible, Effective and Capable Mamang Pulis and Aleng Pulis of the Province of Anti

WOMEN AND CHILDREN PROTECTION DESK
Republic Act 9262
Anti Violence Against Women and Their Children (VAWC) Act of 2004
KNOW ABOUT
Violence against women (VAW) appears as one of the country’s pervasive social problems. According to the 2017 National Demographic and Health Survey conducted by the Philippine Statistics Authority, one in four Filipino women age 15-49 has experienced physical, emotional or sexual violence by their husband or partner. It is indeed alarming that despite efforts to address the concern, VAW persists.
Ano ang "Anti-Violence Against Women and Their Children Act?
Ito ay batas na ipinasa na nagsasaad kung anu-ano ang mga uri ng pang-aabuso o karahasan na ginawa laban sa mga kababaihan at kanilang mga anak, proteksyong maibi-bigay para sa mga naging biktima at mga kaukulang parusa sa mga lumalabag nito.
Nagbibigay ito ng proteksyon laban sa anumang aktong ginawa ng sinuman laban sa isang babae na:
- Kasalukuyang asawa o dating asawa;
- Kasalukuyang live-in o dati nang live-in part ner,
- Kasalukuyan o dating nang kasintahan;
- Mayroon o nagkaroon siya ng sekswal na relasyon o ‘dating relationship”, o
- Ina ng kanyang anak
May proteksyon ding ibinibigay sa anak ng babaeng nabanggit, lehitimo man o hindi, na ginagawa sa loob o sa labas ng tahanan; na nagresulta o maaaring magresulta pinansyal na pang-aabuso. pananakot na gawin ang mga nabanggit, pambubugbog, pananakit, pamimilit, panggugulo o pagkait ng kalayaan.
MGA URI NG PAG-AABUSO
PISIKAL NA KARAHASAN
Alinmang uri ng pananakit na pwedeng makapinsala sa pisikal na anyo ng biktima.
SEKSWAL NA KARAHASAN
Mga aktong likas na sekswal; kabilang ngunit hindi limitado sa mga sumusunod:
- Panggagahasa, sexual harassment at kalaswaan;
- Pagtrato sa isang babae bilang isang sekswal na bagay;
- Paggamit ng mga salitang malaswa na nakaka pahiya o nakakapanliit;
- Pisikal na pananakit sa maseselang bahagi ng katawan ng biktima;
- Pamimilit sa biktima na manood o magbasa ng mga malalaswang palabras at babasahin;
- Pamimilit sa biktima na manood o magbasa ng mga malalaswang palabras at babasahin;
- Pamimilit sa biktima o sa kanyang anak na gumawa ng mga malalaswang Gawain at/o gumawa ng malalaswang pelikula;
- Pamimilit sa asawa, kalaguyo o kabit na mag sama sa iisang bahay o matulog sa isang kwarto na katabi ang lalaking mapang-abuso;
- Pagpapagawa sa biktima, sa pamamagitan ng puwersa, pananakot o pamimilit, ng gawaing sekswal; at
- Pagsadlak sa babae o sa kanyang anak sa prostitusyon
SIKOLOHIKAL NA KARAHASAN
Anumang gawain o di paggawa na nagdudulot ng paghihirap sa isip o damdamin ng biktima, kabilang na, ngunit hindi limitado sa mga sumusunod:
- Hindi makatwirang pagbawal o pagkait karapatang Pangalagaan o bisitahiin ang mga anak ng mga biktima at ng may sala.
PINANSYAL NA KARAHASAN
Mga Gawain na nagiging sanhi upang mawalan ng kakayahang pinansyal ang babae na nagiging sanhi upang umasa na lamang sa pananalapi
- Pagbawi ng sustentong pinansyal;
- Pagbawal sa biktima na pumasok sa lehitimong propesyon, trabaho, o negosyo o gawain;
- Pagkait ng kakayahang pinansyal at karapatan sa mga pag-aari nilang dalawa.
- Paninira ng mga kagamitan sa bahay at
- Pamamahala sa sariling pera o pag-aari ng biktima.
ANO ANG BATTERED WOMAN SYNDROME (bws)
- Ito ay koleksyon ng mga sikolohikal na sitomas na resolta ng mahabang pangaabuso.
- Ayon sa batas, ang babaeng nagkamit ng karahasan laban sa kanyang asawa bilang depensa sa sarili ay maaring dumanas nito.
- Ang sino mang biktima na dumaranas nito ay ipinapakonsolta sa Psychiatric expert o psychologist upang matugunan ang kanyang kondisyon
- Ang pangangalaga ng mga anak ng mapang-abusong lalaki ay mananatili sa babae kahit na siya ay dumaranas ng BWS
Ano ang Protection Order?
Ito ay isang order na binibigay sa Anti-VAWC Act upang pigilan o ipagbawal ang anumang pakikipagugnayan sa biktima at sa anak nito sa hinaharap na mapang-abusong partner.
Ano ang mga pwedeng maging parusa kapag naptunayan na lumabag sa batas na RA 92627?
Ang sino mang may sala sa nasabing kimen ay mapaparusahan ng:
- Pag kakakulong ng nakasaad sa Revised Penal Code
- Multa na 100,000 hanggang 300,000 sa mga pinsalang nailulot.
- At mandatoryong “Psychology Counseling” o “psychiatric treatment” at ipabatid ang pagsunod nito sa korte.
Lalaki lang ba ang pweding kasuhan ng VAWC?
Kahit BABAE ay pweding managot sa batas. Ito ay ang mga lesbian parters/girlfriend o kasalukuyang partner ng biktima na nagkaroon ng “sekswal o dating relationship.
Pano kung ang lalaking asawa o karelasyon ang nag reklamo ukol sa pangaabuso?
Maaring magreklamo sa ilalim ng “Revise Penal Code”
Sino ang pweding maghain ng kaso sa ilalim ng R.A 9262?
KAHIT SINONG TAO ay pwedeng mag reklamo o magsubong basta may personal na kaalaman sa nangyayaring kaso ng pang aabuso. Dahil ang Violence Against Women and their Children ay kinokonsiderang isang pangpublikong krimen.
Ano ang pwedeng magawa ng babae at ang anak nito sa ilalim ng batas na RA 9262?
- Ang batas na ito ay naglalayong bigyan ang babae at anak nito na makakuha ng
- Barangay Protection Order
- Pansamantalang Protection Order
- Permanenteng Protection Order nagaling sa korte
- Magsampa ng kasong kriminal sa paglabag ng RA 9262
HUWAG MA TAKOT HUMINGI NG TULONG Mag text o Tumawag sa ALENG PULIS
HOTLINE SA INYONG LUGAR
Anini-y 0938 123 1545
Barbaza 0963 035 9490
Belison 0955 107 0478
Bugasong 0955 106 9247
Caluya 0963 060 0326
Culasi 0929 164 1977
Hamtic 0939 418 4225
Laua-an 0938 833 7202
Libertad 0938 838 4399
Pandan 0950 314 8812
Pandan 0950 314 8812
Patnongon 0975 903 1455
San Jose 0906 234 2858
San Remigio 0906 234 2776
Sebaste 0938 838 2174
Sibalom 0935 644 0464
Tibiao 0975 902 9249
Tobias Fornier 0965 763 0259
Valderrama 0905 696 7086
Antique PPO 0912 437 8589
WCPD